s

Jhazel Paguiligan

Si Jhazel ay kasalukuyang nag-aaral sa Nazareth School of National University sa Maynila. Anim na taong gulang noong siya’y nagsimula maglaro ng basketball, at tuloy-tuloy na siyang sumali sa Intramurals at iba’t ibang basketball leagues upang mag-improve ang kanyang basketball skills. Kahit na patuloy ang pagsali ni Jhazel sa iba’t ibang liga katulad ng Batang PBA at JR. NBA, nagiging parte pa rin siya ng with honors ng kanilang klase. Ilan lang ito sa mga achievements ni Jhazel sa paglalaro ng basketball: 1) Champion 2016 Palaro NCR 2) Mythical Five – Batang PBA 2016 3) Mythical Five – Pinoy Youth Dreamers’ Cebu League 2017 4) Champion – Batang PBA 2017 (Team Ginebra) 5) Athlete of the Year – Notre Dame of Greater Manila Noong Abril, napili rin siyang maging parte ng Team NCR sa ‘Palarong Pambansa’ na ginanap sa Antique, isa sa pinaka-kilalang kumpetisyon sa bansa na inorganisa ng DepEd, kung saan sila ang nag 3rd place at nakakuha ng Bronze Medal. Tunay na PBA Batang Achiever si Jhazel dahil sa kanyang pagpupursige hindi lang sa sports, ngunit pati sa pag-aaral. Idolo niya si ‘The Fast’, Jayjay Helterbrand ng Barangay Ginebra San Miguel!

Back