s

Ang "Electro Groovers!"

Nagsimula ang pagkakaibigan ng ating mga achievers nang makitaan ni Coach Peter ng hilig at talento sa pagsasayaw ang mga batang sina Michael, Kurstein, Eisen, Sunder, Klyne, Aevan, Luis, Miguel, Noel at Danwilson, mga batang edad 7 hanggang 13 years old. Dahil sa kakaibang dating, liksi, at energy level ng grupo, pinangalanan nila ang kanilang grupo bilang "Electro Groovers". Noong January ay nagsimula silang magseryoso at mag-practice, at kalaunan rin ay nagdesisyong sumali sa kanilang unang competition para makakuha ng experience, ang "Elite Competition Dance Championship" sa Tanghalang Pasigenyo noong nakaraang buwan. Dahil sa pagsisikap at pagpupursige sa pagpapractice, sila ang tinanghal na kampeon sa kanilang division at 3rd place naman sa buong paligsahan na may higit isandaang kalahok. Dahil sa nakitang potential ni Coach Peter at sa kagustuhan ng mga batang sumikat bilang mga magaling na mananayaw, sumali sila noong April 1 sa "World Supremacy Battlegrounds: Philippines" kung saan ang mananalo ay ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa World Supremacy Battlegrounds sa Sydney Australia. Walang katumbas ang saya na kanilang naramdaman ng i-anunsyo na sila ang nagkampeon sa Juniors Division ng World Supremacy Battlegrounds, na magbibigay sa kanila ng pagkakataon na maging kinatawan ng Pilipinas sa nasabing patimpalak sa Australia na matagal nang pinapangarap ng mga bata. Bukod sa pagiging magaling na dancers, ang ilan sa ating mga PBA Batang Achievers ay honor students rin! Sa tulong ng kanilang mga magulang, nakukuha nilang balansehin ang pag-aaral at ang pagsasayaw, at nangangarap sila na maging sikat na grupo na mananayaw pagdating ng araw.

Back